-- Advertisements --

Aabot na sa 488 na mga media professional sa buong mundo ang nakakulong mula ng simulan ng Reporters Without Borders ang pagbibilang mahigit 25 taon na ang nakakalipas.

Ayon sa nasabing non-government organization na ngayong taon lamang ay mayroong 46 ang nasawi mula ng simulan din nila ang paglalabas ng taunang tallies.

Isa sa naging dahilan dito ay ang pagkakaroon ng kaguluhan sa Middle East.

Tumaas ng 20% sa mga nagdaang taon ang nasabing bilang mula ng isagawa ang malawakang crackdowns sa mga media sa Myanmar, Belarus at Hong Kong.

Nanguna ang China sa may pinakamaraming bilang ng mga journalist na ikinulong na ito ay aabot sa 127.

Sinundan ito ng Myanmar na mayroong 53 habang nasa pangatlong puwesto ang Vietnam na mayroong 43, Belarus na mayroong 32 at Saudi Arabia na mayroong 31.