-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Umabot sa 48 barangay sa Lunsod ng Ilagan ang inailalim sa 6 days extended localized lockdown simula kaninang 8:00 PM hanggang 8:00 PM ng August 28, 2021.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni G. Paul Bacungan, Information Officer ng Lunsod ng Ilagan na ito ay batay sa inilabas na executive order number 44 Series of 2021 ni Punong Lunsod Jose Marie Diaz

Magugunitang noong nakaraang linggo ay tatlumput anim na barangay ang isinailalim sa localized lockdown dahil sa nauna nang nagtala ng mga kaso ng COVID-19.

Dahil anya sa isinasagawang contact tracing ay napagpasyahan ng City Interagency Task Force na kahit walang naitalang kaso ng COVID-19 sa labing dalawang barangay na naidagdag sa localized lockdown ay ginawang Containment zone upang matiyak na hindi na kumalat ang virus.

Mayroong 115 active cases ang Lunsod ng Ilagan.

Noong nakaraang linggo ay nasa ilalim ng High risk qualification ang Ilagan City ngunit ibinaba na ngayon ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit o RESU sa medium risk qualification

Sa ngayon ay ipinapatupad ang liquor ban buong Lunsod at curfew hour mula 8:00 PM hanggang 5:00 AM .

Mananatili pa rin ang ipinapatupad na number coding mula sa buong Lunsod ng Ilagan.