-- Advertisements --

Aabot sa limang milyong mga bata sa Ukraine ang lumikas sa kanilang mga tahanan.

Ayon sa United Nation childrens’ fund (UNICEF) na sa halos 7.5 milyon bata sa Ukraine ay mayroong mahigit 4.8 milyon na bata ang nawalan ng mga tahanan.

Sinabi ni Manuel Fontaine ang emergency programs director ng UNICEF na sa 3.2 milyon na bata na nananatili sa kanilang bahay ay marami sa kanila ang pinangangambahang walang sapat na pagkain.

Ilan aniya sa mga lugar na mayroong matinding epekto ay ang Mariupol at Kherson kung saan walang sapat na suplay ng tubig, sanitation services kung saan naantala ang pagpasok ng suplay ng gamot at pagkain.

Ayon naman kay UN ambassador to Ukraine na si Sergiy Kyslytsya na mayroong 121,000 na mga kabataan sa Ukraine ang dinala sa Russia kung saan pinapabilisan na ang pag-aampon sa kanila.