-- Advertisements --

Aabot sa halos 5,000 gun-related incidents ang naitala ng Philippine National Police sa buong bansa noong nakalipas na taong 2023.

Ito ang iniulat ni PNP Public Information Office chief, PCol. Jean Fajardo sa gitna isinusulong na panukala ng Pambansang Pulisya na pahintulutan ang mga sibilyan gumamit ng semi-automatic rifle.

Aniya, majority sa nature ng naturang mga insidente ay may kaugnayan sa shooting incidents, alarm and scandals, grave threat, at robberry.

Kaugnay nito ay iniulat din ni PCol. Fajardo na sa ngayon ay mayroong 3,792 na mga kaso ng gun violence ang naihan na sa korte, habang nasa 1,136 naman ang mga kasong referred to prosecutor’s offices.

Gayunpaman ay ibinida pa rin ng PNP na ang kabuuang 4,956 na gun-related incidents na naitala noong 2023 ay mas mababa sa 5,172 na mga insidente na una nang naitala noong taong 2022.

Dahil dito ay nagpahayag ng kumpiyansa ang buong hanay ng kapulisan na magpapatuloy pa ang pagbaba ng mga gun-related violence sa ating bansa.