-- Advertisements --

Tuluyang sinibak sa serbisyo ang nasa 398 na mga tiwaling pulis.

Ito ang kinupirma ni Philippine National Police (PNP) spokesperson C/Supt. John Bulalacao.

Batay sa datos ng PNP Directorate for Personnel and Records Management (DPRM), nasa 398 na pulis ang tinanggal na sa police service dahil sa pagkakasangkot sa mga katiwalian.

Nasa 151 naman ang nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga, 18 ay drug-related activities, 91 nadismis na dahil sa pag-AWOL (absence without leave), 10 para sa kasong kidnapping, 22 nahaharap sa kasong murder at iba pa.

Habang ang 1,216 na pulis ay pinatawan ng disciplinary penalties tulad na lamang ng demotion, suspension, reprimand, restriction, at salary forfeiture.

Nabatid na mula 2016, nasa 14,515 na ang admistrative cases ang naimbestigahan ng PNP-IAS (Internal Affairs Service) kung saan 8,422 rito ang naresolba.

Sa ngayon ay nasa 6,093 ang naka-pending na mga administrative cases.

Siniguro naman ni PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa na gagawin nito ang lahat malinis ang kanilang organisasyon sa mga tiwaling pulis.

“As the father of the organization, my heart bleeds when I sign dismissal orders for delinquent policemen. It’s a tough decision, but it had to be done for the sake of the organization,” wika ni PNP Chief Dela Rosa