CAGAYAN DE ORO CITY – Hiningi ngayon ng bagong upo na regional director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) sa mga stakeholders na tulungan ang pulisya at militar na mabuwag ang nasa 37 pa na private armed groups (PAGS) na malaking banta sa seguridad ng rehiyong Bangsamoro.
Ito umano ang marching order na inaatas ni DILG Secretary Benjamin Abalos Jr kay PRO-BAR regional director Police Brig Gen Allan Nobleza bago ang pormal na pagtanggap ng kanyang itinuring na malaking responsibilidad sa rehiyong sakop ng Mindanao.
Nabanggit ito ni Nobleza kasunod sa kanyang ring kautusan sa Special Investigation Task Group Gov. Adiong na ituloy ang pagtugis laban sa mga natitirang mga akusado pagtambang sa convoy ni Lanao del Sur Governor Mamintal ‘Bombit’ Adiong Jr sa bahagi ng Maguing town kung saan kumitil ng apat na security escorts nito noong petsa 17 ng Pebrero.
Sinabi ng heneral na maganda na umano ang nasisimulan ng ilang local government officials kasama ang pulisya at militar patungkol sa pagbuwag ng PAGs kaya nais nitong ipagpapatuloy batay na rin sa kautusan ni Abalos.
Bagamat itinuring na illegal drug syndicate group ang tumambang kay Adiong noon subalit dahil mga armado ay malaki pa rin itong banta sa pangkalahatang seguridad lalo na sa mga bayan ng Lanao.
Magugunitang patungkol sa Adiong ambush ay lumalabas na ang warrant of arrest laban sa mga akusado habang una nang napatay naman mag-ama na sina alyas Fighter at alyas Oting maliban sa apat na naaresto mula sa Bukidnon at Lanao del Sur.