Naghain ang Commission on Elections (Comelec) Task Force Anti-Epal ng 294 petisyon para sa diskwalipikasyon laban sa mga kandidato ng Barangay at SK elections.
Ayon sa Comelec, nasa 223 na petisyong inihain para sa diskwalipikasyon ay dahil sa premature campaigning habang 71 petisyon naman ang isinumite dahil sa iligal na pangangampaniya.
Kung saan naghain na ang Comelec ng petition for disqualification laban sa 19 na kandidato dahil sa paglabag ng premature campaigning at 55 kandidato naman sa paglabag ng illegal campaigning. Sa kabuuan nasa 74 na petisyon ang naihain kahapon, Oktubre 30.
Ang naturang task force ay may kapangyarihan na maghain ng mga reklamo para sa diskwalipikasyon at mga paglabag sa halalan laban sa mga mapapatunayang lumabag sa mga itinakdang patakaran ng Comelec.