-- Advertisements --

Dumating na sa bang sa ang 286 na mga distressed overseas Filipino workers mula sa Kuwait.

Ang mga OFW ay nag-avail sa repatration program ng embahada ng Pilipinas sa Kuwait.

Lulan ng chartered flight na pinondohan ng Department of Foreign Affairs, Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs. (DFA-OUMWA) sa pamumuno ni Acting Undersecretary Eduardo de Vega na siya ring kasama ng mga OFW na umuwi sa bansa.

Ang grupo ay kinabibilangan ng 10 medical cases habang ang iba ay mula sa Talha o Kuwait Deportation Center at POLO-OWWA shelter.

Karamihan din sa kanila ay mga Household Service Workers (HSW) na umalis sa kanilang mga amo matapos makaranas ng pagmamaltrato.

Ito ang unang mass repatration ng mga OFW sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.