Halos 25,000 katao sa hilagang Pilipinas ang napilitang lumikas sa kanilang mga tahanan dahil sa banta ng Bagyong Goring.
Sa pinakahuling ulat nito, iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na karamihan sa mga lumikas na ito ay pansamantalang naghahanap ng tirahan sa 154 na evacuation center.
May 665 katao din ang preemptively evacuated.
Iniulat din ng konseho ang 63,565 katao o 19,370 pamilya ang naapektuhan ng bagyo sa 21 probinsya sa 7 rehiyon.
Bagama’t wala pang nasawi sa ngayon, ang Bagyong Goring ay nag-iwan din ng 28 na mga bahay na nasira, 13 dito ay fully damaged.
Dagdag ng NDRRMC, ang pinsala sa imprastraktura ay nasa halagang P41.1 milyon..
Mahigit P979,000 halaga rin ng tulong ang naibigay sa mga apektadong populasyon, kalahati nito ay nagmula sa mga lokal na pamahalaan at kalahati naman ay mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon sa ahensya, karamihan sa mga tulong ay ibinigay sa mga residente sa pamamagitan ng cash aid.