BUTUAN CITY – Nakaramdam na ng takot ang mga Pinoy sa Israel dahil sa lumalalang pang-aatake ng Iran na sabay umanong ititira ang daan-daang mga drones at ballistic missiles patungo sa kahit saan mang direksyon.
Ayon kay Bombo international news correspondent Shay Kabayan, walang pili sa pang-aatake ang Iran dahil kahit ang mga civilian sites ay hindi nila pinapatawad.
Dagdag pa ni Kabayan, kung kaya ng Israel ang mga missiles na tinitira ng mga rebeldeng Hamas mula sa Gaza Strip patungo sa kanilang bansa, iba umano ang sa Iran.
Ito’y dahil sa dami ng kanilang ititirang mga drones at ballistic missiles sa isang tira lang, hindi umano ito kayang saluhin ng Iron Dome kung kaya’t ang iba ay tumatama sa mga residential areas.
Kahit merong bomb shelter ang bagong mga apartment units sa Israel, hindi rin ito siento-porsientong mapagkatiwaaan na magliligtas sa kanilang buhay dahil iba ito sa mga lumang shelter na nasa underground nai-constuct.