Aabot sa halos 200 mga barangay sa Northern Mindanao ang tinukoy ng Philippine National Police bilang mga areas of concern para sa darating na 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Sa ulat ni Police Regional Office Region 10 spokesperson Maj. Joanne Navarro, nasa 197 na mga barangay sa naturang lalawigan ang tinukoy nitong kabilang sa mga election areas of concern.
Samantala, sa kabila nito ay iniulat naman ng opsiyal na walang barangay sa N. Mindanao ang nasa ilalim ng “Red” category na nangangailangan ng istriktong intervention ng kapulisan at militar.
Nasa 155 na mga barangay naman ang nasa Orange category nang dahil sa mga dating naitalang election related conflicts doon kung saan 60 rito ang nasa mga lungsod habang ang natitirang 92 naman ay nasa probinsya ng Bukidnon.
Bukod dito ay inilagay naman ng kapulisan ang nasa 42 mga barangay naman ang nasa ilalim ng Yellow category, at aabot naman sa 1,825 na mga barangay ang nasa Green category.