-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Ipagpapatuloy ng 5th Infanrty Division Philippine Army ang extraction sa mga natitirang Improvised Explosive Device (IED) na itinanim ng mga kasapi ng New Peoples Army (NPA) sa kanilang nasasakupan.

Ito ang binigyang diin ni Major General Pablo Lorenzo, commanding general ng 5th Infantry Division sa ginanap na ceremonial disposal ng humigit kumulang 20 IEDs.

Ayon kay Major General Lorenzo, sa tulong ng mga sumukong kasapi ng NPA na gumawa ng mga IEDs ay ay positibo silang matatagpuan ang iba pang nakatanim na pampasabog sa kanilang nasasakupan.

Nanawagan naman ang 5th ID sa mga kasapi ng NPA na iwasan na ang pagawa ng mga IED dahil labis itong mapanganib sa mga sibilyan.

Pinanganunahan ng explosive and ordnance division (EOD) ang disposal o pagpapasabog sa mga nabanggit na IED sa isang blasting site sa loob ng kampo ng 5th ID Phil. Army.