KORONADAL CITY- Sinuspende ang klase kaninang umaga sa isang paaralan sa bayan ng Sto Niño, South Cotabato matapos na sinasiban ng masamang espirito ang mga estudyante.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Wilfredo Baluardo, Principal ng Sto Niño National School of Arts and Trade, nasa 20 estudyante ang sinapian sa matapos ang isinagawang flag raising ceremony kaninang umaga.
Ayon kay Baluardo, ito na ika-2 pagkakataon na nangyari ang nasabing insidente.
Kaugnay nito, nagsagawa na sang misa ang paaralan at benindisyunan ang lahat ng classrooms.
Sa ngayon, ipinasiguro din ni Baluardo na may ginagawa na silang paraan upang hindi na maulit pa ang nasabing pangyayari.
Agad naman umanong binisita ni Mayor Pablo Matinong ng bayan ng Sto. Nino ang nabanggit na paaralan matapos malaman ang nangyari.