-- Advertisements --
Aabot sa dalawang milyong residente ng southwestern Japan ang pinayuhang lumikas dahil sa paparating na malakas na bagyo.
Itinuturing ng Japan Meteorological Agency (JMA) ang bagyong Nanmadol bilang malaki at napakalakas na uri ng bagyo.
Sapilitan namang pinalikas ang mga naninirahan sa mga lungsod ng Miyazaki, Kagoshima at Amakusa.
Itinaas na rin ng Japan ang alert level 5 dahil sa kakaibang lakas ng hangin na dulot ng nasabing bagyo.
Malaki rin aniya ang posibilidad na magdudulot ng malawakang pag-ulan sa nasabing isla.
Nagbabala rin ng JMA na maaaring magdulot na malaking pagkasira ng nasabing mga kabahayan ang malakas na bagyo.