-- Advertisements --
Nasa mahigit 2.45 milyon katao ang dumalo at nanood sa unang 48 na laro ng FIFA World Cup 2022 sa Qatar.
Ang nasabing bilang ay mas mataas noong 2018 Worl Cup na ginanap sa Russia para sa mga group stages.
Ayon sa FIFA na sa lahat ng mga laro sa group matches ay naitala ang maraming nanood sa laban ng Argentina at Mexico sa Lusail Stadium na dinaluhan ng 88,996 katao.
Sa kasalukuyan ay nanguna ang Saudi Arabia sa listahan ng may pinakamaraming bisita na aabot sa 77,000 na sinundan ito ng India na mayroong mahigit 56,000.
Magugunitang bago ang pagsisimula ng torneo ay inihayag na ng Qatar na inaasahan na nila na ilang milyong katao ang dadalo para makapanood ng live sa mga laro.