-- Advertisements --
image 124

Nakabalik na sa kanilang normal na pamumuhay ang kabuuang 921 na pamilya sa bayan ng Camalig, Albay ang nakabalik na sa kanilang mga tahanan.

Ito ay matapos ang pananatili sa mga evacuation center sa nakalipas na halos apat na buwan simula nang mag-alboroto ang bulkang Mayon.

Ang 921 na pamilya ay silang paunang pinayagan ng pamahalaan na makabalik sa kanilang bahay, mula sa mahigit 1,030 na pamilya mula sa nasabing bayan na unang inutusang lumikas.

Ang mahigit siyam na raan na pamilya ay binubuo ng 3,240 na katao.

Bago ang pagbabalik na ito, tiniyak naman ng pamahalaan na may madadala silang mga pagkain pagbalik sa kanilang mga tahanan, kasama na ang mga damit at ilan pang kagamitan.

Una nang pinayagan ng pamahalaan na makabalik ang mga residente ng Albay sa kani-kanilang mga bahay, sa mga nakalipas na araw.