-- Advertisements --
image 14

Pumalo na raw sa mahigit 170 million passengers ang nakinabang sa pinakahuling Service Contracting Program (SCP).

Sa isang statement sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), kabuuang 170,913,133 passengers daw ang nag-enjoy sa naturang benepisyo ng SCP sa third phase nito mula Abril 11 hanggang Setyembre 4.

Sinabi ng LTFRB na layon ng naturang programa na matulungan hindi lamang ang mga operator at driver kundi pati ang mga kababayan nating naapektuhan ang kabuhayan sa panahon ng pandemya at ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Kung maalala, sinimulan ni dating transportation secretary Arthur Tugade ang third phase ng SCP noong Abril 11 at itinuloy na ito sa kasalukuyang administrasyon sa ilalim naman ng pamumuno ni LTFRB chairperson Cheloy Garafil.

Ang programa ay mayroong kabuuang budget na P7 billion na nasa ilalim ng 2022 national budget.

Dalawang option dito ang puwedeng pagpilian.

Isa ay ang gross contract at makakatanggapa ng mga drivers at operators ng compensation base sa bilang ng kanilang biyahe sa buong linggo mayroon o wala silang pasahero.

Ang isa naman ay ang net contract at sila ay makatatanggap kompesasyon base sa bilang ng kanilang biyahe kada linggo na dagdag naman sa kanilang kinikita sa pasahe.