-- Advertisements --
Screenshot 2021 01 02 10 40 30

KALIBO, Aklan – Kapwa negatibo ang mga tourism workers na isinailalim sa libreng Coronavirus virus 2019 (COVID-19) RT-PCR tests sa isla ng Boracay na sinimulan noong Disyembre 26 hanggang 29, 2020.

Ayon kay Dr. Cornelio Cuatchon Jr. ng Provincial Health Office (PHO)-Aklan na kabuuang 1,491 na mga empleyado sa isla ang kanilang nakuhaan ng swab specimen samples at hinihintay pa ang ibang resulta nito.

Ipinahayag ni Dr. Cuatchon na kaparte ito ng program ng Department of Tourism (DoT) upang masiguro ang kalusugan at kaligtasan ng mga turista na kanilang makakasalamuha.

Aniya, iminungkahi umano ng DoT na regular ang isasagawang swab test sa mga tourism workers.

Matatandaan na naglaan ang ahensiya ng P8 milyon pesos na pondo sa pamamagitan ng Tourism Promotions Board (TPB) na ibinigay sa Aklan Provincial Government upang sagutin ang gastos sa swab tests ng mga trabahador sa Boracay.