-- Advertisements --
Kinumpirma ng Texas Department of Criminal Justice na 1,275 sa kanilang mga preso ang nagpositibo sa 2019 coronavirus infectious disease o COVID-19.
Sa inilabas na pahayag ng TDCJ, halos 20,000 preso ang binabantayan ngayon dahil nagkaroon umano ang mga ito ng direktang contact sa mga empleyado at iba pang preso na nagpositibo sa sakit.
22 sa mga ito ang namatay habang patuloy naman ang imbestigasyon kung ang nadagdag na 12 namatay ay dahil din sa coronavirus.
Patuloy naman ang ginagawa ng TDCJ na coronavirus testing sa iba pang preso na asymptomatic ngunit vulnerable sa nakamamatay na virus base sa kanilang edad o health conditions.