Aabot na sa halos 100,000 mga pasahero sa mga pantalan ang naitala ng Phiilippine Coast Guard ngayong araw.
Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng PCG, nasa kabuuang 99,773 na mga biyahero ang kanilang na-monitor sa lahat ng mga pantalan sa bansa.
Mula sa naturang bilang ay nasa 52,857 ang pawang mga outbound passengers, habang nasa 46,916 naman ang mga inbound passengers na naitalang bumabiyahe sa mga pantalan ngayong araw.
Sa OPLAN Biyaheng Ayos: BSKE & UNDAS 2023 ng coast guard ay nasa 433 na mga vessels at 700 motorbancas ang nainspeksyon na ng 3,340 frontline personnel sa 15 PCG Districts.
Samantala, kaugnay nito ay pinayuhan naman ng PCG ang publiko na makipag-ugnayan agad sa kanilang tanggapan ang anumang mga concerns, at clarifications ng mga ito pahinggil sa mga ipinapatupad na sea travel protocols and regulations ngayong panahon BSKE2023 at Undas 2023.