DAVAO CITY – Nagnegatibo na sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang siyam na tauhan ng Department of Health (DOH)-11 na nauna nang nagka-positive result sa reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) nitong May 29.

Ito ang kinumpirma ni Dr. Lenny Joy Rivera, ang assistant regional director ng DOH-11.

Inihayag ni Dr. Rivera na kabilangang dito ang walong medical technologists at isang doktor na parte ng specimen management team kung saan halos lahat ay mga swabbers.

Sa kabila ng magandang balita, nasa isolation facilities pa rin ang naturang mga healthcare workers para sa kanilang 14 day quarantine.

Samantala, sinabi ni Dr. Ricardo Audan, ang chief of clinics ng Southern Philippines Medical Center, nasa pitong healthcare workers pa rin ang kasalukuyang naka-confine sa ospital.

Ang mga ito ay kinabibilangan ng tatlong doktor, tatlong nurse at isang medical staff.