Halos 1.5 million Certificates of Candidacy ang naihain para sa Barangay at SK elections.
Sa consolidated report ng COCs na natanggap ng Commission on Elections kahapon, kabuuang 1,414,487 kandidato ang nakapaghain ng kanilang kandidatura sa buong bansa.
Kung saan kabuuang 96,962 fang naghain ng kanilang COC para sa barangay chairman o kapitan, 731,682 para sa kagawad, 92,774 para sa SK chairman at 493,069 para sa SK member.
Matatandaang nagtapos na ang COC filing period na tumakbo lamang mula August 28 hanggang September 2. Pinalawig hanggang noong lunes sa ibang lugar dahil sa bagyo.
Samantala, paalala naman ng Comelec na simula noong September 3 hanggang October 18, ipagbabawal ang anumang uri ng pangangampaniya.
Dahil ang opisyal na panahon ng pangangampaniya ay magsisimula pa lang sa October 19 hanggang 28 ng kasalukuyang taon.