-- Advertisements --

Itinalaga ni Senador Ronald dela Rosa bilang vice chairpersons ng Senate committee on public order and dangerous drugs, na kaniyang pinamumunuan, sina Senators Christopher Go, Jinggoy Estrada, at Rodante Marcoleta.

Inihayag ito ni acting Majority Floor Leader Joel Villanueva sesyon sa plenaryo nitong Martes.

Nahalal ding miyembro ng komite sina Senators Robin Padilla at Imee Marcos.

Nahalal si dela Rosa bilang chairman ng komite noong Mayo 11, kasabay ng kanyang muling paglitaw sa Senado upang bumoto kay Sen. Alan Peter Cayetano bilang bagong Senate president kapalit ni Sen. Vicente Sotto III.

Samantala, itinalaga rin si Padilla bilang vice chairman ng committee on basic education sa ilalim ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda.

Ang pagtatalaga ng Vice Chairs sa komite ni Dela Rosa ay sa gitna ng pagtugis sa kaniya ng mga awtoridad para arestuhin sa bisa ng arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC).