-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Pansamantalang natigil ang hearing sa mga korte kabilang na rin ang promulgation sa Hall of Justice ng Lungsod ng Bacolod nitong Martes ng umaga.

Ayon sa staff na nagngangalang Jan Jan Morales, pasado alas-8:00 ng umaga nang matanggap ng isang empleyado ang bomb threat sa pamamagitan ng tawag sa telepono.

Hindi pa matiyak kung babae o lalaki ang tumawag ngunit nagbanta umano sa mga empleyado na lumabas sa gusali dahil may sasabog daw na bomba.

Nagsilabasan naman ang lahat ng mga empleyado kabilang na ang mga abogado ng mga akusado.

Kaagad namang rumesponde ang bomb squad ng Bacolod City Police upang siyasatin ang Hall of Justice gamit ang mga sniffer dogs.

Sa ngayon, tinutukoy pa kung sino ang suspek.

Nabatid na sa isalim ng Presidential Decree No. 1727, maaaring maharap sa hanggang limang taon na pagkakakulong at multang hanggang P40,000 ang mga mapatutunayang nagpapakalat ng bomb threat.