Inilipat ng Commission on Elections (Comelec) ang petsa para sa election period para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan sa Agosto 28 hanggang Nobiyembre 29.
Ang orihinal na election period ng barangay at SK elections ay naunang itinakda mula Hulyo 3 hanggang Nobiyembre 14.
Sa siyam na pahinang resolusyon, inilabas ng poll body ang revised calendar of activities at schedules para sa mga ipinagbabawal na gawain may kaugnayan sa pagdaraos ng dalawang halalan sa Oktubre 30 ng kasalukuyang taon.
Kabilang sa ipinagbabawal ay ang pagdadala at pag-transpot ng mga baril o iba pang deadly weapons sa mga pampaublikong lugar sa panahon ng halalan,
Ipinagbabawal din sa mga kandidato na gumamit ng securoty personnel o bodyguards sa election period.
Gayundin, ipinagbabawal ang pag-transfer o pagtatalaga ng mga opsiyal at empleyado sa civil service kabilang ang mga guro sa pampublikong paaralan.
Una ng inilipat ng poll body ang petsa para sa paghahain ng Certificate of Candidacy (COCs) mula Agosto 28 hanggang Setymebre 2 habang ang panahon naman ng pangangampaniya ay mula Oktubre 19 hanggang 28.