-- Advertisements --
Pinag-aaralan ng Bureau of Customs (BOC) ang kontribusyon ng hanggang P1 trilyon sa kaban ng gobyerno ngayong taon.
Sinabi ni BOC spokesperson Vincent Maronilla na ang mga posibleng karagdagang kita ay magmumula sa mga buwis na kokolektahin hanggang sa katapusan ng taong kasalukuyan.
Aniya, ito ay magpopondo sa maraming programa ng gobyerno ng Pilipinas
Sinabi ni Maronilla na bukod sa kanilang mga koleksiyon, umaasa rin ang pamahalaan sa mga kita ng Bureau of Internal Revenue at iba pang ahensya sa revenue collection.
Sa ngayon, masusing pag-aaralan ng BOC ang nasabing kontribusyon na kung saan, magiging malaki ang maiaambag na tulong para sa bansa.