Umabot na sa P315million ang halaga ng mga tulong na naipagkaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga biktima ng Habagat, SUpertyphoon Egay, at bagyong Falcon.
Kinabibilangan ito ng P144 million na halaga ng mga family food packs at non-food items, at P104million na halaga ng mga cash assistance.
Ang nasabing tulong ay ipinagkaloob sa mahigit 5,000 na brgy sa regiona 1, 2, 3, CALABARZON, MIMAROPA, 5, Western Visayas, Eastern Visayas, at Central Visayas.
Kasama rin ang CAR, NCR, Davao Region, at SOCCSARGEN
Tiniyak naman ng tagapagsalita ng Departmet of Social Welfare and Development(DSWD) na si Assistant Secretary Romel Lopez na patuloy nilang aalalayan ang mga pamilya na nananatiling hindi pa nakakauwi sa kanilang mga bahay.
Kasama rin dito aniya ang mga biktima na pansamantalang nakitira sa kanilang mga kaanak at kakilala.