-- Advertisements --
egay victims

Umabot na sa kabuuang P214million ang halaga ng mga tulong na naipamahagi ng pamahalaan sa mga biktima ng nagdaang supertyphoon Egay at habagat.

batay sa datus ng Disaster Response Operations Monitoring and Information Center ng DSWD, kinabibilangan na ito ng mga tulong na naipamahagi ng mga Local Government Units, direkta sa kanilang mga residente.

Umabot naman sa 4,000 mga barangay sa buong bansa, mula sa siyam na apektadong rehiyon ang nakinabang sa mahigit P200million na tulong.

Una nang pinaalalahanan ni Sec. Rex Gatchalian ang mga Regional Director ng DSWD na huwag patagalin ang pamamahagi ng mga relief packs sa mga sinalanta ng kalamidad.

Sa kasalukuyan, tinatayang mahigit sampung libong katao pa ang nananatili sa mga evacuation center sa buong bansa, dahil pa rin sa nasabing bagyo, kasama na ang tuloy-tuloy na pag-ulang dulot ng Hanging Habagat.