-- Advertisements --

KALIBO, Aklan — Umabot sa kabuuang P288,780,066.98 ang halaga ng naging danyos ng nagdaang bagyong Paeng sa lalawigan ng Aklan.

Sa final damage assessment report na ipinalabas ng Aklan Provincial Disaster Risk Reduction Management Council, pinakanasira ng bagyo dulot ng malawakang pagbaha ang sektor ng agrikultura na umabot sa P119,305,066.98.

Sinundan ito ng imprastraktura na nakatala ng P109,690,000; P8,275,000 ang sa public utilities at P51,510,000 sa lifelines.

Sa kabilang daku, umabot na sa walong katao ang namatay habang isa ang nawawala at 30 iba pa ang sugatan dahil sa bagyo.

Isa sa naitalang nasawi ay dahil sa sakit na leptospiros.

Naka-record naman ang ahensya ng 78,048 na apektadong pamilya na kinabibilangan ng 264,387 indibidwal at 135 na kabahayan ang totally damage at 5,830 ang partially damage.

Sa kabilang daku, nilinaw ng Provincial Engineering Office (PEO)-Aklan na naayos at nalinis na ang karamihan sa mga obstruction sa mga kalsada at tulay sa mga lugar na nagkaroon ng bahagyang pagkasira dulot ng bagyong Paeng.