Bumaba umano ang halaga ng mga subsidies na naibigay sa mga government owned and controlled corporations(GOCC) sa bansa nitong buwan ng abril, kumpara sa mga subsidies na natanggap noong buwan ng Marso.
Ito ay batay sa lumalabas na datus ng Bureau of Treasury
Lumalabas kasi na nabigyan ang mga GOCC ng P8.958Billion noong Abril. Mas mababa ito ng 17.01% kumpara sa P10.75Billion noong buwan ng Marso.
Gayonpaman, ang P8.95Billion na natanggap ng mga ito noong abril ay mas mataas pa rin ng 75% kumpara sa P5.117 na kanilang natanggap noong 2022.
Batay pa rin sa datus ng Bureau of Treasury, sa kabuuan ng 2023 ay umabot na sa P30.266Billion ang natanggap ng mga korporasyong pinamamahalaan ng gobierno.
Mas mababa ito ng 3.58% kumpara sa P31.391Billion na naibigay sa kanila noong 2022.
Samantala, pinakamalaking nakakuha ng share mula sa mga nasabing subsidiya ay ang National Irrigation Administration na umabot sa P3.878Billion. Sinundan ito ng National Food Authority na mayroong P2.017Billion.
Pangatlo rito ang National Housing Authority(NHA) na nabigyan ng P836Million.
Samantala, ang iba pang mga ahensiya ng pamahalaan na nabigyan ng matataas na subsidiya ay ang Sugar Regularoty Administration, Philippine Rice Research Institute, Philippine Children’s Medical Center, at iba pa.
Wala namang natanggap na anumang subsidiya ang mga government financial institution sa magkasunod na buwan ng Marso at Abril.