-- Advertisements --
image 265

Nabawasan ang kabuuang halaga ng investment para sa infrastructure flagship program ng Marcos administration kabilang ang mga inisyatibo ng nagdaang administrasyon matapos na tanggalin ng economic team ang mga redundancies.

Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, ang kabuuang investment value na dati ay nasa P9 trillion ngayon ay nasa tinatayang P8.2 trillion na lamang.

Ang tatlo nsa pangunahing source ng pondo para sa infrastructur project ay ang official development assistance, na may pinakamalaking share na P4.51 trillion; sinundan ng public-private partnership na nasa P2.5 trillion at national budget o ang General Appropriations Act na nasa P850.58 billion.

Noong Marso, inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board na pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang kabuuang 194 infrastructure projects na nagkakahalaga ng P9 trillion na binubuo ng 123 bagong proyekto at 71 mula sa nagdaang administrasyon.

Sinabi din ng Finance chief na mula sa 194 proyektong imprastruktura nasa 68 dito ang kasalukuyang nagpapatuloy ang implementasyon, 24 ang aprubado na, 9 ang nakatakda pa lamang aprubahan ng gobyerno, 52 sa ilalim ng project preparation at 40 ang nasa ilalim ng pre-project preparation.

Ilan sa on-going infrstructure project at aprubado para sa implementasyon, nasa 19 ang inaasahang makumpleto sa katapusan ng 2023.

Nasa kabuuang 79 naman ang target na makumpleto sa bago matapos ang termino ng Marcos administration sa taong 2028.