Umaapela na ng tulong ang Haiti government sa United States at United Nations na magpadala ng security forces para protektahan ang mga pangunahing imprastruktura sa kanilang bansa.

Kabilang aniya sa kanilang pinapa-secure ay ang mga airports at pantalan gayundin para tumulong sa pag-iimbestiga kasunod ng assassination kay Haiti President Jovenel Moise.
Nagpadala na ng isang sulat mula sa office of Interim Prime Minister Claude Joseph patungong US embassy at UN office sa Haiti hinggil sa reinforcement.
Ayon kay Elections Minister Mathias Pierre isa sa pinakalayunin ng security reinforcements ay bilang paghahanda na rin sa nakatakdang presidential at legislative election sa September 26.
Bilang tugon, magpapadala ang US ng senior FBI at Homeland Security official sa Haiti para tumulong sa imbestigasyon.
Samantala, napag-alaman na ang dalawang naarestong Haitian Americans ay nagsilbing translator ng mga nag-assassinate kay Pres. Moise na sina James Solages, 35, at Joseph Vincent, 55, kapwa mula Florida.
Napag-alaman din ng mga imbestigador sa Colombia na ang 17 mga suspek ay mga retiradong sundalo ng Colombian army.
Pinakikilos na rin ni Port-au-Prince prosecutor Bed-Ford Claude ang investigative unit ng National Police Force na imbestigahan ang lahat ng security agents na malapit sa pangulo kabilang na ang security coordinator ni Moise na si Jean Laguel Civil at Dimitri Herard na head ng General Security Unit of the National Palace










