-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Matagumpay na nailigtas ang 32 mga tripolante ng isang sasakyang pandagat matapos itong mahati at tumaob habang naglalayag sa karagatan ng Brgy. Corregidor, Dapa, Siargao Islands Surigao del Norte kahapon, Huwebes.

Ayon sa Coast Guard Station Surigao del Norte, ang barkong LCT Pacifica 3, nahati at tumaob dahil sa naglalakihang alon habang naglalayag papunta sa bayan ng Claver sa nasabi ring lalawigan.

Sa ngayo’y ina-assess na ng PCG ang posibleng marine environmental impact sa nasabing insidente.