-- Advertisements --

Nadiskubre ng Department of Information and Communications Technology na galing sa sa state-owned telecommunicatons company ng China ang mga nagtangkang mang-hack sa mga government website at email address ng Pilipinas.

Nauna nang iniulat na may mga bagong tangkang cyber attacks sa ilang government website at sa mailbox ng pamahalaan.

Ilan sa mga pinagtangkaang i-hack ay ang web page ng mismong DICT, Philipine Coast Guard, Overseas Workers Welfare Administration at ang website ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Napag-alaman na ang IP Address ng hacker ay nasa isang telecommunication operator na pag-aari ng Chinese Government ayon kay DICT Undersecretary Jeff Ian Dy.

Ani Dy, kinakailangan na makipag ugnayan ng kanilang ahensya sa China para sa mga imbestigasyon.

Pero nilinaw ni Dy na hindi pinagbibintangan ng ahensya ang gobyerno ng China.

Ayon naman sa eksperto, kailangan palakasin na ang cybersecurity ng pamahalaan para maprotektahan ang mga mahahalagang datos.