-- Advertisements --

Iniulat ng weather bureau na batay sa kanilang 4:00 a.m. weather bulletin, ang Mimaropa, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, at ang BARMM ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot ng habagat, habang ang Eastern Visayas, Caraga, Catanduanes, Albay , Sorsogon at ang Masbate ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa LPA.

Namataan kaninang alas-3:00 ng madaling araw ang LPA na nasa 685 km hilagang-silangan ng Surigao City, Surigao del Norte ang low pressure area o nasa 690 km silangan ng Virac, Catanduanes.

Ayon sa PAGASA sa susunod na 24 Oras, ang Southwest Monsoon o habagat ay magdadala ng katamtaman hanggang sa malakas na kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Palawan.

Sa ilalim ng mga kundisyong ito, posibleng magkaroon ng pagbaha at pagguho ng lupa na dulot ng ulan, lalo na sa mga lugar na mataas ang banta ng panganib, kaya pinag-iingat ang mga kababayan natin.

Pinayuhan din ang publiko at ang mga concerned agencies na gawin ang lahat ng kinakailangang hakbang upang maprotektahan ang buhay at ari-arian.

Ang PAGASA Regional Services Divisions ay maaaring mag-isyu ng mga lokal na babala sa malakas na pag-ulan, paalala sa pag-ulan/pagkulog at iba pang malalang impormasyon sa lagay ng panahon na partikular sa kanilang mga lugar ng responsibilidad kung naaangkop.

Ang susunod na weather advisory ay ilalabas ng PAGASA mamayang alas-11:00 ng umaga.