Ipinagutos na ni Manila City Mayor Isko Moreno sa pamunuan ng Hotel Sogo na huwag ng magpapasok ng mga guest sa kanilang branch sa Adriatico, Malate.

Ito’y matapos gumuho ang gusali nito kaninang umaga.

Batay sa ulat, pasado alas-9:00 ng umaga nang gumuho ang gusali kasalukuyan palang dine-demolish.

Agad naman nagtungo si Moreno sa lugar para tumulong sa rescue operations ng mga otoridad.

Agad isinugod sa Ospital ng Maynila ang tatlong na-trap na sina Jerome Fabello, Melo Izon, at Edson Izon.

Pansamantala namang isinara ang kahabaan ng Mabini Street para sa operasyon.