CAUAYAN CITY – Isang guro ang nagpakamatay sa Tumauini, Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Major Rolando Gatan, hepe ng Tumauini Police Station isang guro ng Regional Science High School sa Tumauini.
Lumabas sa kanilang pagsisiyasat na bago ang pagpapakamatay ay naglaro muna ang nasabing guro at apat na taong gulang na anak na lalaki.
Naging ugali na rin umano ng guro na patulugin ang kanyang anak sa loob ng kanyang kuwarto ngunit napansin ng kanilang kasambahay na hindi lumabas ang kanyang amo matapos patulugin ang anak.
Dahil dito binuksan ng kasambahay ang kuwarto ng nasabing guro ngunit nagulat nang makitang nakabitin na sa kisame sa loob ng silid.
Bago anya ang pagpapakamatay ng guro ay napansin ng kanyang mga kapatid na maysakit kaya isinailalim sa swab test ang kanyang bangkay.
Sinabi ni Maj. Gatan, nakausap niya ang Municipal Health Officer ng Tumauini at kinumpirmang nagpositibo sa COVID-19 virus ang nagpakamatay na guro.














