ZAMBOANGA CITY- Nanganganib na matanggalan ng lisensiya ang isang guro na aktwal na nahuli ng mga otoridad na kasiping ang kanyang kalaguyo sa isang motel sa Zamboanga kagabi.

Sa nakalap na impormasyon ng Star FM Zamboanga, nakita umano ng kanyang anak na babae na nasa wastong gulang na, nang pumasok ang tatay nito sa naturang motel kaya agad niya itong ipinagbigay alam sa mga otoridad.

Mabilis namang rumesponde ang pulisya at naaktuhan ang pagtatalik.

Samantala, tumanggi ang guro mula Basilan na isiwalat ang kanyang pangalan maging sa kalaguyo nito para sa ikabubuti ng kani-kanilang pamilya.