NAGA CITY – Sa kulungan ang bagsak ng isang guro matapos maaresto ng mga otoridad sa Brgy. San Jose, Pili, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Raymond Asido, 30, nagtuturo sa isang pampublikong paaraman sa CamSur.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), napag-alaman na naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Vivencio Gregorio Atutubo III ng RTC Branch 32 Pili, Camarines Sur.

Nahaharap ngayon ang nasabing suspek sa kasong paglabag sa Sec. 5 of RA 7610 o Child Prostitution and other Sexual Abuse na may piyansang nasa P180,000.

Nabatid na ang mismong estudyante ng suspek ang naging biktima nito sa nasabing krimen.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.