Ipinahayag ni Philippine National Police chief PGen. Rodolfo Azurin Jr. na tinitignan nila ngayon ang posibildad ng pagsususpinde sa Permit to Carry Firearms Outside of Residence sa ilang bahagi ng Mindanao.
Ito ay kasunod ng naganap na ambush incident sa convoy ni Lanao del Sur Governor Mamintal Alonto-Adiong Jr. sa bayan ng Maguing sa nasabing lalawigan.
Ayon kay Azurin, kabilang sa mga ito ay ang Maguindano, Lanao del Sur, at 63 mga barangay sa North Cotabato sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Kinakailangan na talaga ang pagpapatupad ng suspensyon sa lugar dahil sa sunud-sunodf na nangyayaring shooting incident doon at layon din nitong tugunan ang paglala ng krimen sa nasabing lalawigan.
Kung maaalala, una nang ipinahayag ni Azurin na isa ang rido o away pamilya sa mga tinitignang motibo sa ambush incident kay Lanao del Sur governor Adiong.
Batay sa inisyal na report mula sa Kalilangan Municipal Police Station, apat na indibidwal ang nasawi habang kasalukuyan namang nagpapagaling ngayon sa ospital ang naturang gobernador matapos ang matagumpay na operasyon nito nang dahil pa rin sa mga pinsalang tinamo mula sa naturang insidente.