-- Advertisements --

Inanunsyo ng Police Regional Office 7 (PRO-7) ang pagpapatupad ng gun ban sa buong Central Visayas mula Enero 5 hanggang Enero 20, 2023.

Bahagi pa rin ito ng mahigpit na security measures para sa aktibidad ng Sinulog festival at Fiesta Señor.

Sinabi ni PRO-7 Regional director Police Brig. Gen. Jerry Bearis, inaprubahan na ni Philippine National Police Chief Police Gen. Rodolfo Azurin Jr. ang kahilingan ng Cebu City Police Office na suspindihin ang Permit To Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR).

Kaya naman pinayuhan ang mga gun owners na tandaan ang panahon ng pagpapatupad nito.

Samantala, sinabi pa ni Bearis na dinagdagan nila ang mga tauhan ng pulisya sa hindi bababa sa 2,500.

Humiling din ito ng karagdagang mga pulis mula sa mga karatig lalawigan ng rehiyon.

Gayunpaman, nilinaw ni Bearis na wala silang nakita o na monitor na anumang banta sa seguridad para sa Sinulog sa kasalukuyan.