-- Advertisements --
image 3

Inamin ng international lawyer na si Atty. Arnedo Valera na mas mahirap maipatupad ang gun control law sa Estados Unidos, kaysa sa Pilipinas.

Kung tutuusin aniya, mas tumatalima pa ang mga Filipino sa mga ganitong patakaran, habang maraming factors naman ang nakakaapekto sa pagpapa-iral ng gun safety laws sa America.

Sinabi pa ni Valera sa panayam ng Bombo Radyo, mula sa pagbuo ng win-win solution na batas, hanggang sa implimentasyon ay nagkakaproblema sa US ukol sa naturang usapin.

Marami kasing grupo ang may magkakaibang pananaw sa isyu at ito ang nagiging malaking sagabal sa paglikha ng malinaw at matibay na batas ukol sa gun control sa America.

Ang usapin ay muling naungkat dahil sa dumaraming insidente ng “mass shooting” sa mga paaralan at iba pang matataong lugar sa nasabing bansa.