ILOILO CITY – Maging si Senator Franklin Drilon ay itinutulak ang pagpapatayo ng tulay na magkokonekta sa Iloilo at Guimaras.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo sa Ilonggo senator, sinabi nito na kasunod ng nangyaring trahedya sa Iloilo Strait na ikinamatay ng 31 katao, mas mabuti na ituloy ang pagpapatayo ng nasabing tulay.

Ayon kay Drilon, sa ngayon nagpapatuloy ang feasibility study at inaasahang tatagal ito ng isa hanggang dalawang taon pa.

Tiniyak din ni Drilon na tututukan niya ang development ng nasabing proyekto na nagkakahalaga ng tinatayang P10 billion. (photo: thebestofiloilo wordpress)