Screenshot 2020 06 15 10 21 10 98
-- Advertisements --
Screenshot 2020 06 15 10 21 10 98

Iaapela ng kampo ni Rappler CEO Maria Ressa ang hatol na guilty ng Manila Regional Trial Court Branch 46 laban kay Ressa at sa dating researcher-writer nitong si Reynaldo Santos Jr.

Ayon kay Atty. Theodore Te, abogado ng Rappler, sa isang bahagi lamang daw ng impormasyon tumutok si Judge Rainelda Estacio-Montesa at hindi nito tiningnan ang kabilang panig o ang alegasyon ng judgment sa reputasyon.

Umapela naman si Ressa sa Facebook na maging aware at protektahan ang journalists.

Aniya, sa mga panahon ngayon ay mahalaga ang Investigative journalism kaya umaapela sila sa gobyerno na makipagtulungan sa journalists.

Sinabi pa ni Ressa na ang mga mamamahayag ay hindi kaaway ng pamahalaan.

-- Advertisement --

Naniniwala rin itong test case ang nangyari sa kaso at sila ang kauna-unahang nahatulan ng gulity sa cyber libel.

Nag-ugat ang kaso sa artikulo na isinulat ng Rappler noong 2012 at muling inilathala online noong 2014 laban sa negosyanteng si Wilfredo Keng.

Inatasan din ng korte ang mga akusado na magbayad ng P200,000 na moral damages at karagdagang P200,000 bilang exemplary damages.

Ang mga akusado ay mayroong sintensiya ng pagkakakulong na anim na buwan at isang araw hanggang anim na taon.

Si Ressa at Santos ngayon ang kauna-unahang nahatulan sa walong taong gulang na Philippine Cybercrime Law.

Hindi naman agad makukulong si Ressa at Santos dahil puwede namang iapela ang kaso sa Supreme Court (SC). 

Entitled din si Ressa at Santos piyansa habang pinaplantsa nila ang legal remedies sa higher courts.