-- Advertisements --

Binabalangkas na raw ng mga opisyal ang guidelines kasabay ng inaasahang pagbabalik laro ng Philippine Basketball Assocation (PBA) ngayong buwan.

“Dina-draft na yung guidelines na paggagamitan para ito ay mas magkaroon ng specific na guidance sa mga gagawa nito,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.

“Kailangan lang nating antayin na magkaroon ng final resolution on this matter.”

Sang-ayon ang Department of Health (DOH) na mas strikto sa ipinapatupad na panuntunan ng National Basketball Assocation (NBA) sa Estados Unidos ang panukalang guidelines ng PBA.

Tulad ng regular na pagsasailalim sa RT-PCR test ng mga atleta at iba pang staff limang araw bago pumunta sa bubble site sa Clark, Pampanga.

Hiwalay pa ito sa regular na swab test kapag nasa loob ng sports facility, shuttle service at hiwalay na dormitoryo.

“It is really much stricter nang makita natin or comparing to NBA… ‘yan yung mga binigay nilang kondisyon so that they can enforce the minimum health standards and ensure that the players are safe.”

“We will be monitoring of course strictly na ito ay hindi magkaroon ng breaks o lapses dito sa mga protocols na mayroon tayo ngayon.”