VIGAN CITY – Naglabas na ng panuntunan ang Commission on Elections (Comelec) para sa mga hahabol na magpapa-rehistro bilang botante sa deadline nito sa Lunes, September 30.

Sa mensaheng ipinadala ni Comelec spokesperson director James Jimenez sa Bombo Radyo sinabi ni nito naglabas na ang kanilang tanggapan ng kautusan para ipatupad ng local election officers ang Resolution No. 10549 na mag-aasikaso sa late registrants.

Sa ilalim ng resolusyon, kailangang ilista at hayaang maka-rehistro ng local election officers ang sino mang mga nakapila at sakop ng 30-meter radius ng mga Comelec office.

Tatlong beses lang maaaring tawagin ng opisyal ang pangalan ng mga nagpalista, kaya pag nalampasan ang mga ito ay hindi na rin daw sila maaaring ma-accommodate muli.

May mga express lane naman para sa senior citizens, buntis at persons with disabilities.