VIGAN CITY – Inihayag ni Commission on Higher Education Chairman Prospero De Vera na mayroon nang guidelines na nailabas ukol sa pagpapatuloy ng klase sa mga unibersidad sa bansa sa kabila ng COVID-19 pandemic.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay De Vera, sinabi nitong maaari pa ring ituloy ng mga unibersidad ang “flexible learning” habang nasa kanikanilang mga tahanan ang mga estudyante hanggang sa matapos ang enhanced community quarantine.
Ang mga unibersidad na nagbukas ng pasok noong Hunyo ng nakaraang taon ay pinapayagang mag-extend ng kanilang academic calendar ng hanggang Abril 30.
Samantala, ang mga nagbukas naman ng pasok noong Agosto 2019 ay pinapahintulutang mag-extend ng kanilang semester.
Mahalaga ito ayon kay De Vera para makahabol sa kanilang mga requirement ang mga mag-aaral sa iba’t ibang unibersidad at kolehiyo sa bansa.
Bukod dito, binibigyan dina niya ng pinahabang panahon ang mga health-related courses na matapos ang kanilang requirements sa internships.