Mismong ang American actor na si Chris Pratt ang nag-anunsyo na official husband and wife na sila ng author na si Katherine Schwarzenegger.

Nag-post ang 39-year-old actor ng larawan nila ng 29-year-old wife na tila kakatapos pa lamang ng intimate wedding ceremony sa California.

Yesterday was the best day of our lives!

We became husband and wife in front of God, our families and those we love. It was intimate, moving and emotional. We feel so blessed to begin this new chapter of our lives.

This morning we feel nothing but blessed,” bahagi ng caption ni Pratt.

Maliban sa “Guardians of the Galaxy,” tampok din si Pratt sa “Avengers: Endgame.”

Mayroon siyang isang anak sa aktres at dating misis na si Anna Faris ngunit nauwi sa hiwalayan ang kanilang eight years of marriage.

Si Katherine naman ay panganay na anak ng action star at former California governor na si Arnold Schwarzenegger.