-- Advertisements --
Lubos ang pasasalamat ni Atty. Teofilo Guadiz III kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr matapos na maibalik ito sa puwesto bilang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairperson.
Sinabi nito na isang karangalan na mapagkatiwalaan muli ng pangulo at maibalik sa puwesto.
Pagtitiyak niya na pangangalagaan niya ang integridad ng ahensiya at haharapin ang anumang usapin sa sektor ng transportasyon.
Balik naman sa kaniyang puwesto si LTFRB member Mercy Paras Leynes na itinalaga pansamantala bilang officer-in-charge noong nakaraang buwan.
Magugunitang noong Oktubre 9 ng sinuspendi si Guadiz ni Pangulong Marcos dahil sa akusasyon ng dating empleyado nito na si Jeffrey Tumbado dahil umano sa anomalya.