Screenshot 2019 06 04 14 18 00
IMAGE | (Leftmost: GSIS President and General Manager Jesus Clint Aranas)

Ibinada ng Government Services Insurance System (GSIS) ang ikaapat na sunod na beses na increase ng kanilang net income para sa unang quarter ng taon.

Batay sa datos ng GSIS, pumalo ng P38.7-bilyon ang net income ng tanggapan mula Enero hanggang Marso ng 2019.

Ito ay lubhang mataas kumpara sa P9.5-bilyon na kita sa parehong mga buwan noong 2018.

“We are happy to share this good news with our members and pensioners. Our 82nd anniversary celebration this month is made more meaningful knowing that we have fulfilled our commitment to become good stewards of the fund,” ani GSIS president at general manager Jesus Clint Aranas.

Paliwanag ng GSIS, malaki ang naging papel ng pagtaas ng halaga ng kanilang financial assets sa merkado.

Kabilang na rito ang public equities portfolio ng tanggapan na 20-porsyento ng kanilang kabuuang assets.

Nakaapekto raw dito ang increase ng 6-percent sa Philippine Stock Exchange index na 7,290.93 kumpara sa ending level ng nakalipas na taon.

Bukod sa paggalaw ng halaga ng financial assetsm, ayon sa GSIS, nakatulong din sa pagtaas ng kanilang net income ang increase sa interest income dahil sa mga bagong loan programs ng tanggapan.

Kung susumahin, umabot ng P1.2-trilyon ang kabuuang assets ng GSIS sa unang quarter ng 2019.

Ito ay mataas ng 6-porsyento mula sa P74-bilyon na nalikom sa pagtatapos ng Marso 2018.